kikay kit/ bag
gusto ko pagbigyan ang tag ni mommy jong
although honestly, i don't bring my kikay kit all the time. so i will instead write the contents of my bag. hehehe
1) wallet and coinpurse - isang item lang kse pareho lang ang laman nya - pera. although my big wallet also have plastic money. and most important of all - our family pic.
2) hot pink springmaid comb - sobrang tibay ng suklay na ito. yung una kong suklay dati eh binili ko lang sa may boni ng 20 bucks. matibay sya in fairness kaya nung nawala naghanap ako ng same brand. kahit mumurahin gusto ko quality nya. isa pa hindi ako "brush" person. kse bulky sa bag at feeling ko di nasusuklay ng maayos hair ko.
3) wipes - i will let you into a secret on this. pag nalalamigan ako or naeexcite, i need to go desperately into a toilet. so kelangan lagi ako may wipes just for "emergency cases" (which sometimes happens most of the time..hahaha)
4) pamaypay - mainitin akong tao. i have to have my fan all the time with me kasi ayoko nanlalagkit ako pag mainit.
5) tenderly hand gel - regalo lang sa akin nung pasko. mabango. ginagamit ko yan after ko humawak ng pagkain.
6) ventolin spray - pag may narinig na akong pusa sa dibdib ko kelangan ko na gamitin ito.
7) smints - pag matagal akong di nagsasalita sa byahe i pop one in my mouth bago bumababa ng sasakyan para walang chemical warfare pag nakipagusap ako. hahaha
8) hanky - pampunas ng pawis
9) clean and clear oil control film - pangtanggal ng oil sa face
10) maybelline shine free face powder (honey) - kapag sinipag ako magpowder at pag nagmukhang pagpriprituhan na ng itlog ang face ko.
12) fruity shine lip gelly - pag sinipag ako maglagay ng lipgloss at dry na ang lips ko
13) house and office keys - pangbukas sa bahay at kwarto namin. pati na din ng mga drawers ko sa ofc.
14) Victronix swisscard - may gunting, needle, flashlight, ballpen, ruler, small knife, small tweezers, magnifying lens, screw drivers. (kelangan lagi ko to dala)
15) cellphone - need i say more?
16) nail cutter - my nails are very soft madali sya maputol so i gotta have this all the time
17) sto. nino and rosary - bigay sa akin ng bestie ko sa ofc (rhoda)
18) ipod/ usb thumb drive - ang mga paborito kong gadgets that i can't live without
19) my medicine organizer - which holds my meds subdivided into 3 meals for two days
so diba, di naman masyado madami. hindi kse ako mahilig talaga maglagay ng kung ano ano sa face ko. nakakatamad! =)