lumipas man ang gabi

at sumikat man ng huli ang araw

madilim man o maliwanag

ika'y mamahalin hanggang may bukas

 

dumaan man ang bagyo

umulan man at umaraw

may kalungkutan man na dala ng masamang panahon

ika'y mamahalin hanggang may bukas

 

saktan man ang puso

ng matatalim na salita

di man maintindihan ang mga ikinikilos

tandaan ika'y mamahalin hanggang may bukas

 

milyon milyong milya man ang layo natin

di man kaya hawakan ang kamay upang mapawi ang lungkot

masaya man o di magkaintindihan

pangako ika'y mamahalin hanggang may bukas

 

pero bukas ba, nariyan ka pa rin at mamahalin ako?

Currently listening to: sabihin mo na - top suzara
Currently feeling: sad
Posted by princess_bride on July 21, 2008 at 10:44 AM | dance with me
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.