July 21, 2008
hanggang may bukas
lumipas man ang gabi
at sumikat man ng huli ang araw
madilim man o maliwanag
ika'y mamahalin hanggang may bukas
dumaan man ang bagyo
umulan man at umaraw
may kalungkutan man na dala ng masamang panahon
ika'y mamahalin hanggang may bukas
saktan man ang puso
ng matatalim na salita
di man maintindihan ang mga ikinikilos
tandaan ika'y mamahalin hanggang may bukas
milyon milyong milya man ang layo natin
di man kaya hawakan ang kamay upang mapawi ang lungkot
masaya man o di magkaintindihan
pangako ika'y mamahalin hanggang may bukas
pero bukas ba, nariyan ka pa rin at mamahalin ako?
Posted by princess_bride on July 21, 2008 at 10:44 AM | dance with me