April 18, 2008
bukas....may pag-asa pa
bakit ba tinatamad ako magsulat? ang dami ko gusto sabihin pero di ako makaisip ng tamang paraan pano ko isusulat. malamang dumating ako sa punto na sobrang napagod ako. at di lang sa trabaho. dahil kahit sa mga kaibigan at kakilala ko iniwasan ko. hindi naman sa ayoko sa kanila....gusto ko lang mapag-isa.
may mga bagay talaga na kahit ano ang pilit mo - di talaga pwede. yung tipong alam mo sa puso mo na hindi talaga mangyayari kahit lumuha ka pa ng dugo dyan. nakakawala ng loob. lahat ng paghihirap at sakripisyo binigay mo...lahat ng pagpapahalaga buong puso mo at kaluluwa binigay mo...wala pa din.
tingin ko yun ang nangyari....napagod ako. napagod sa pagbibigay ng walang kapalit. napagod sa paghihintay sa wala. napagod sa di pagpapahalaga sa lahat ng ginawa ko. hanggang dumating ako sa punto na ayoko nang lumingon sa nakaraan...di ako makagalaw. nakatayo lang ako at pilit tinatanaw ang hinaharap.
kung binigay lang ang nararapat....kung binigyan lang ng kaukulang pansin...kung natutunan lang akong pahalagahan...ayoko nang umasa ulit. ito na ang pagkakataon na matuto na akong bumangon sa kinasidlakan kadiliman ng nakaraang mga araw...buwan...hindi ko na matandaan.
ah basta....bukas ako ay ngingiting muli at magsisimulang gumalaw patungo sa di siguradong hinaharap. bubuksan muli ang puso sa maraming kulay ng pag-ibig at pagkakaibigan. bukas....bukas.....may pag-asa pa.

Posted by princess_bride on April 18, 2008 at 08:11 PM | 4 danced with me