Peace? What Peace?
Zero hour sleep. I "woke up" at 6AM. Konting execise. Linis. Fix bed. Tiklop ng damit. Breakfast. Feed cats.
Tried to start "working" around 10AM. Kaso antok na antok ko ako. So I slept. I woke up past 1PM. Had lunch. Fed cats. Linis. And started "working" again around 2PM.
Ah! That's it. I give up.
I started browsing job search engines again. Naaawa na kasi ako sa sarili ko. Pati sa nanay ko.
Tokwa. Sa totoo lang, wala naman ako masyadong nagawa sa business businessan na to. Sinunod ko lang yung schedule na binigay sakin ni ChatGPT. Ang hirap magpatuloy pag wala ka naman talagang passion sa ginagawa mo, tas kailangan ko pa ng pera.
Also, I have another reason...
Currently reading the BL Manhwa, "Dangerous Convenience Store". Hindi ko bet 100% yung seme, but I still found their love story heartwarming. Naisip ko lang na tuluyang walang mangyayari sa love life ko kung nandito lang ako sa bahay.
Sabi nila, malalaman mo daw kung tama ang desisyon mo depende sa amount ng peace you feel out of that decision.
Hindi ko alam kung peace ba to. Maybe more like relief. I am, after all, relieving myself from all these uncertainty. Hindi ko rin naman ako kung makakahanap ako kaagad ng trabaho.
Pero change priority. Change plan. Ang hirap magfocus.
Focus.
Tokwa, narealize ko lang na para sa taong may zero skill sa multitasking, I seem to have spread myself thin. Kahit mula nung bata ang dami kong ginawa—writing, reading, drawing, piano, ballet, anime. Tapos ngayon, engineering, Japanese language, business, public speaking, crochet, cacti and succulents, content creation, BL, AI, etc. Gusto ko pa nga sumali sa writing contest, pero pinigilan ko na yung sarili ko. I mean, I only have 24 hours a day, and just 1 body. Naalala ko yung yaya ni tatay dati nung nagjoke ako na mag-aartista na ko. She was like, "artista naman ngayon?"
Basta ang goal ko lang muna sa ngayon e to earn money at humanap ng boyfriend.
I hope that things will get easier soon.