sa pagpikit ng mga mata

at paglalim ng tulog na tila

inuugoy ng duyan

nagulat ako sa iyong pagdalaw

sa panaginip ko na parang totoo

nandoon ang pagtatanong sa isip

sa di inaasahang makita muli

ang iyong mga ngiti

ngunit kahit ito'y sa panaginip lang

salamat na din sa iyong pagdalaw

hanggang sa muling pagkikita kaibigan

Currently feeling: grateful
Posted by princess_bride on December 30, 2016 at 06:36 AM | dance with me
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.